kwento ng pag-ibig :)
lrt station
araneta center cubao
may nakita akong babae
ang pangalan ay pau :)
matamis na ngiti
nagniningning na mata
sa tinagal ng panahon nagisnan muli ang ganda
paakyat ng platform
ako’y natuliro
di matanggal ang ngiti
puso ko’y di nagbibiro
nagkaroon ng ibang sigla
nung makita ka
nabuhay ang puso ko
hinihintay ka lang pala
ang tibok ng puso ko
mas mabilis pa sa jeep
patok na patok
swak sa aking trip
hindi na iindahin ang trapik
para ang puso ko sayo’y mapalapit
hindi ko alam kung kung paano tatapusin to
nasa isip ka hanggang sa panaginip ko
wag ka lang malilito
hinihintay ko lang ang matamis na oo
:)